Congratulations kay
sa pagkapanalo niya sa October contest ng memeria! 
Susunod na ang prize art mo galing kay memer-sama.

Tuloy na tayo sa ating February contest!
Welcome to
memeria! XD
Isang club na itinatag [ng inyong lingkod, Jyn-chan (~
Jelyn)] alang-alang sa mahal nating kapatid na si
Ang layunin ng club na ito ay ang pagsamasamahin at pag-isahin ang mga tumataas-noo nating mga kababayan sa nag-iisa at walang kapares na si Ginoong ~
iq40.
Nananwagan ako sa lahat ng mga manhid, ah este, tao na kasalukuyang binabasa ang talang ito na sumali at makiisa sa pagbuo ng isang panibagong komunidad ng mga talentadong kabataan upang magsibol ng isang makasaysayang henerasyon ng mga tagasunod ni IQ40.
Idol mo ba si Damaso? Nagbabasa ka ba ng Cat's Trail? Naeelibs ka ba sa guhit niya sa ODID (One Day, Isang Diwa)? Kung gayon eh, ano pang hinihintay mo?!
Sali na!
Magkakaroon ang memeria ng mga paligsahan buwan-buwan (magsisimula sa Hulyo) at kung anu-ano pang maiisip natin okay.

Maari rin kayong maglagay ng inyong mga
"Damaso-oriented Art" (kahit anong guhit basta pag-aari ni Ginoong Damaso o kaya naman ay naiguhit niya para sa ODID) sa ating gallery sa papamamagitan ng
public service sa lahat ng ating mga kasapi.
Ang public service na ito ay ang pagbibigay ko sa inyo ng ating club password upang makapasok at makagawa kayo ng kabalbalan sa ating club anytime, anywhere.
Ang club na ito ay bukas sa mga bata, sa mga matatanda, sa matataba, at sa mga hindi nirarayuma.

Mag-iwan lamang ng
note na nagsasaad ng inyong intensyong sumali at ilagay ang ating club avatar sa inyong mga journal.
MGA MAHAHALAGANG PAALALA:
~ Cat's Trail at ODID
fanarts (papatayin ko kayo pag napagalitan tayo) lamang ang puwedeng ilagay/i-submit sa ating gallery.
~ Fanarts ng mga
titles lamang ng Culture Crash Comics ang puwedeng ilagay sa ating favorites (Pasig, ODID, Kubori, Soltice). Huwag abusuhin ang +fav button.
~ Hindi maaring ipasa ang club password sa sinumang hindi kasapi ng memeria.
~ Ang mga kasaping may hawak ng password ay walang karapatang magdagdag o magbawas ng mga members.
~ Huwag na huwag maglalagay ng links sa comments section. Sumali na lang kayo kung gusto niyong makita namin ang guhit ninyo.
~ Sa pagsali, huwag mag-iiwan sa comments page. Paki diretso note na agad para sigurado.
Ang kahit anong pagpapapansin ay babalewalain (trabaho lang, walang personalan

).
~ Sa mga kasapi, walang maaring magbura ng kahit anong note sa inbox at sent items folder natin. Huwag niyo na lang pakialaman yung notes natin for short.
~ Sa mga kasapi uli, hindi kayo maaring mag-dagdag sa devwatch natin. Tanging si IQ40 lang ang nilalaman nun...

February contest now up!
[link]
Ating mga kapamilya...
[link]
Tagapagpamahala:
Pagtanggi:
Ang Cat's Trail at ang katagang Memeria ay pag-aari ni Elmer Damaso. Ang Pasig, ODID, Kubori, at Solstice ay pag-aari ng Culture Crash Comics. Ang CCCom website ay pag-aari ng Culture Crash Comics. Ang gumuhit ng ID natin ay pag-aari ni Elmer Damaso na hiniram ko naman ng walang paalam sa CCCom website na pag-aari ng Culture Crash Comics.